Ang ama ni Seth (Vilma Santos) na si Odong (Robert Arevalo) ay hindi makalakad dahil sa stroke. Nagsimula ang pelikula sa bahay ni Manang Elsa (Daria Ramirez) na noon ay abalang-abala sa panggagamot sa mga taong may iba't-ibang kapansanang dinadala sa buhay. Dinala ni Seth ang kanyang ama sa healer upang mabigyang lunas ang sakit nito kahit medyo duda siya sa kapabilidad ng mga healer na manggamot. "Baka sakali" ikaw nga. Matapos gamutin si mang Odong, inutusan ni Manang Elsa si Melchor (Joel Torre), ang kanyang nakababatang kapatid na bigyan ng herbal ang matanda. Pakuluan at inumin daw iyon ni Odong ang paliwanag kay Seth. Nang paalis na sila sa bahay ng healer, may isang lalaking nahimatay at agad agad na ipinasok sa loob ng bahay upang magamot.
Pagkauwi ni Seth at ng kanyang amang si Odong sa kanilang bahay, sinalubong sila ng kanilang kasambahay na si Alma (Pokwang) upang yayaing kumain sa isang maliit na salo-salo ngunit pagod sila kaya mas pinili na lang nilang magpahinga at matulog. Pinakuluan ni Seth ang herbal at agad agad na ipinainom ang pinaglagaan sa kanyang ama bago matulog. Nang matutulog na si Seth nagulat siya sa itim na ibon na lumipad paloob at palabas ng kanyang kwarto.
Kinabukasan, dali-daling nagpunta si Seth sa kwarto ng ama at ito ay nagulat ng hindi makita ang matanda sa kwarto nito. Agad agad siyang nagpunta sa labas upang hanapin ang ama. Sa kanyang paghahanap, nagulat siya sa kanyang nakita. Ang kanyang ama ay nakakalakad ng muli at sa mga oras na iyon ay nagkekwento sa kanyang mga kapit-bahay kung paano siya gumaling. Kinagabihan ay nagkaroon ng salo-salo sa bahay ng matanda na hindi alam ni Seth na gugulat na gulat na dumating galing sa trabaho. Imbitado ang ga kapit-bahay at mga malalapit na kaibigan ni Seth. Sa salo-salong iyon ay napagkasunduan ng mga kabarkada ni Seth na may iba't-ibang sakit na magpagamot din sa healer kung saan nagpagamot ang ama nitong si Odong na nagbabakasali ring mapagaling sa mga sakit na dinaranas ng mga ito. Si Chona (Ces Quesada), na may malalang goiter na nagdulot na pagkawala ng kanyang boses na ang asawa ay si Rex (Simon Ibarra), isang titser. Si Alma (Pokwang), ang kasambahay ni Seth na hindi makaalis papuntang Dubai dahil sa malalawang sakit sa balat sa kanyang kanang paa. Si Greta (Ynez Veneracion) na may nakakapang bukol sa kanyang kanang s*so na ang asawa ay si Ruben (Allan Paule). Si Ding (Chris Villanueva) na isang pulis na nahihiyang pakasalan ang kanyang muslim na nobya (Nikki Valdez) dahil sa sakit niyang psoriasis sa bandang likudan. Ang anak ni Cita (Janice de Belen) na si Kakay (Abby Bautista) na matagal na ring hindi nakakapagsalita.
Gulat at tuwa ang naramdaman ng anak ni Seth na si Jed (Martin del Rosario) ng malamang magaling na ang kanyang lolo. Si Jed ay kasalukuyang nakatira noon sa bahay ng kanyang ama na si Val (Mark Gil) kasama ang kanyang step-mother (Carmi Martin) at kapatid sa labas na si Cookie (Kim Chiu) na may sakit na Glomerulonephritis. Nang malaman ni Jed ang paggaling ng kanyang lolo, dali-dali itong lumapit sa ina upang humingi ng tulong sa kalagayan ni Cookie. Gusto niyang magpatulong sa kanyang ina upang maipagamot si Cookie sa healer at malunasan ang sakit nito. Tumanggi si Seth na tumulong sapagkat ayaw niyang masabihan ng kanyang asawang si Val at ng bagong pamilya nito na pinapakealaman niya ang buhay nila. Ngunit sa kapipilit ni Jed sa ina, ibinigay na lang ni Seth ang address ng bahay ng healer upang sila na lang ang magpunta at binilinan niya ang anak na wag na wag ipapalam sa ama ang kanyang pagtulong.
Nagtungo ang magkakabarkada ni Seth sa healer upang magpagamot. Dumating sila sa bahay ng healer na nakasarado. Hinarap sila ni Melchor na nagsasabing hindi na daw nanggagamot ang kanyang ate dahil ito ay may sakit. Hindi matanggap ng magkakabarkada ang sinabing iyon ni Melchor kaya pinilit nila si Manang Elsa na sa oras na yun ay nakadungaw sa bintana dahil sa pagkabulabog sa ingay ng mga gustong magpagamot. Pumayag ang healer at pinapasok ang mga pasyente sa bahay. Nang matapos ang gamutan ay umuwi na ang magkakabarkada. Sa kanilang daan pauwi ay nakasalubong nila si Jed kasama si Cookie na sa mga oras na yun ay patungo rin sa healer. Pinayuhan ni Seth na magmadali ang anak dahil mukhang wala na sa mood manggamot ang healer. Nang magpaalam ang anak kay sa ina at sa mga kabarkada nito, nagulat ang lahat ng makabigkas ng salita si Chona, na noon ay hindi makapagsalita dahil sa sakit sa leeg. Tuwang tuwa ang lahat lalo na ang asawa niyang si Rex pati na rin ang ibang kabarkada nila na nagkaroon ng pag-asa dahil sa himalang paggaling ni Chona.
Kinagabihan nang matutulog na si Seth. May naramdaman siyang kakaiba. Binuksan niya ang pinto at muli ay ginulat siya ng itim na ibon na lumipad sa kanyang kwarto. Nakarinig siya ng ingay mula sa labas. Sumilip siya sa bintana at nakita niya si Alma na titiningnan din kung saan nanggagaling ang ingay. Agad lumabas ang dalawa. Kinamusta ni Seth ang kalagayan ng paa ni Alma ngunit wala pa ring nagbabago kaya ipinaalala ni Seth na dapat mainom agad ang herbal na bigay ng healer. Lumabas ang dalawa sa bahay at natunton nila kung san nagmumula ang ingay na halos pumukaw sa buong barangay. Nagmumula ang ingay sa bahay ng kaibigan nilang si Chona na kulang na laang ay mahalit ang lalamunan sa kakakanta dahil sa pagkamiss niya sa kanyang boses. Napalabas din ang kaibigan nilang si Ruben na galit na galit dahil sa ingay ngunit pinalampas niya ang galit dahil naiintindihan niya ang pagbabagong nangyare sa sakit ni Chona. Makaraan ang ilang minuto, tinawag ni Greta si Ruben na parang may kakaibang nangyari. Pumasok ang mag-asawa sa loob ng bahay na may tuwa sa boses ni Greta. Agad namang sinundan ni Alma at Seth ang mag-asawang kaibigan upang alamin kung anong nangyare. Tuwang tuwang sinabi ni Greta na wala na ang bukol niya sa kanang s*so. Ipinakapa niya ito kay Seth. Dahil hindi matukoy ni Seth kung nawala na nga ang bukol, si Alma na isang medtech ang kumapa at nagsabing wala na nga talaga. Nagkaroon ng pag-asa si Alma na maaaring gumaling din ang kanyang sakit.
Kinabukasan ay dumalo ang magkakaibigan sa kasal ng kaibigan nilang si Ding na ikakasal sa nobya nitong muslim. Sumunod si Seth sa lugar ng kasalan ngunit bago siya makadating doon ay nakita niya si Chona. Kinausap niya si Chona at niyaya papunta sa kasalan ngunit hindi siya pinansin nito at nginitian lang. Ngiting animo'y may kakaibang nangyayare. Dumating si Seth sa kasalan na noon ay late na sa okasyon. Hinanap ng mga kabarkada si Chona na noon ay hindi sumipot sa kasal. Sinabi ni Seth na nakita niya si Chona ngunit may hindi maipaliwanag at weird na pakiramdam ang pagkikita nila.
To be continued....:D

Continuation PLEASE ○∩○
ReplyDelete