Sana ako na lang... Sana ako pa rin... Sana tayo ulit... Sana alam mo ang lahat ng ito...
Mahal ko siya pero di ko kaya ang mga
gusto nya. Nakakasakal. Sana di sya ganun. Pero kahit ganun sya, mahal
ko tlga sya. Bilang una kong girlfriend. Mahirap mag mub-on. Lalo na't
pang-una ko sya. Ang sakit at ang hirap kapag nakikita ko siyang masaya
sa piling ng iba. Pero wala naman akong magagawa, dahil desisyon nya
yun. Dahil wala naman akong ginawa at ginagawa at gagawin. Pero sana
kahit minsan, naaalala mo ako, naiisip. Dahil ako, lagi kitang naaalala
at gustong makasama. Kahit kaliwa't kanan ang hampas mo sakin, kahit ang
lakas mong magsabi na para tayong nag-aaway pag magkasama tayo. AYUS
lang! basta ikaw ang kasama ko. Pero sa mga panahong ito, mukhang malabo
na, mukhang huli na ang lahat. Kailangan ko ng humakbang palayo. Gumawa
ng sarili kong hakbangin ng wala ka. Mahirap pero kailangan. Maraming
nasasaktan, maraming naapektuhan. Pero sana, wag nating alisin ang mga
posibilidad na balang araw ay magbalik ang dating tayo. Yung masaya,
yung naglolokohan, nag-aaway, nagtatawanan. Dahil ako, inaamin kong MISS
na tlga kita. Dahil mahal pa rin kita...Mahirap pero kailangan na tlga.
basta lagi mong tandaan, andito lang ako lagi.. hnd man maibalik ang
100% ng dati, andito pa rin ako nakaalalay sayo. Hndi kita malilimutan.
Kung paano mo ako pinatawa, pinasaya, minahal at inalagaan. Mahal kita
pero tama na. Mahal kita pero masakit na.
Mahal kita kaya PAALAM na.
--to be continued...
No comments:
Post a Comment