A feeling that keep on coming and
coming back to me always the time that I saw a couple doing things a couple
does. Laughing with each other, sharing what happened the whole day, tagging
sweet posts in FB, etc. I wonder when will be the next time I’ll secretly smile
without anyone noticing me that I have ‘butterflies
in my stomach.’ And suddenly, after thinking about everything
that happened in may first relationship, a question was shaped into my mind, “Am
I ready for my second and hopefully last relationship this time?”
Ang hiraaap! Minsan naiisip ko na
siguro time na ulit para magmahal ako ng seryoso. Time na ulit siguro para
humanap ng makakadamay sa habang buhay at makakasama sa hirap at ginhawa. Yung babaeng
mamahalin ko ng higit sa aking nauna. Yung mamahalin ko nang walang pangambang
hindi siya magugustuhan ng aking mga magulang. Yung magiging proud ako kasi
sobrang bait nya, maintindihin, at kung anu-ano pang magagandang bagay na
maaring maging katangian ng isang babae. Yung tipong parang magkabarkada lang
kami, kasama ko kabarkada nya, kasama nya kabarkada ko. Yung sa mga oras na
kailangang kailangan mo ng kasama eh gagawa talaga sya ng paraan at syempre
ganun din ako sa kanya. Yung parang bahay ko na rin ang bahay nila kasi lagi
akong andun. Haaaay. Kailan kaya matutupad areng mga are?
Dami kasing mga bagay na nagiging
dahilan kung bakit hindi ko maging priority ang paghahanap ng girlfriend eh. Unang
una, sobrang busy sa school. Daming bigger priorities lalo na’t graduating ako,
sana’y makagraduate nga. Pangalawa, walang budget eh. Syempre kapag pinasok mo
ang isang relasyon, handa dapat ang wallet mo. Sabi nga, “you can give without
loving but you cannot love without giving.” Eh pano ba yan? Pangalawa pa lang
na dahilan laglag na ako. Wew.
--to be continued..
No comments:
Post a Comment